Ayon sa RA 8559, "the practice of agricultural engineering shall refer to the profession requiring the application of the fundamental and known principles of engineering to the peculiar condition and requirements of agriculture as an industry and as a field of science"
Ang ating pagkalito sa ating pagka-inhenyero ay nagsisimula sa eskwela. Ano ba ang agricultural engineering? Isang engineering discipline o isang agricultural discipline? Hindi malinaw sa simula pa lang kung asan tayo lulugar. Kung basehan natin ang tala ng CHED, napapabilang ang AE sa Technical Panel for Agriculture Education kabilang ang veterinarian, forestry, agriculture at fisheries. Wala naman tayo sa listahan ng Technical Panel of Engineering Education and Architecture.Kung pagbabasehan ito, ang AE ay napabilang sa Agricultural Sciences.
Ngunit marami pa rin ang nagsasabi na tayo ay isang lehitimong engineering discipline kapantay ng ibang traditional na engineering discipline (e,g. civil, electrical, mechanical). Marami sa atin ang naniniwala sa linyang ito: Tayo ay mga engineer at hindi agriculturalist. Oo naman, Engineer nga ang tawag sa atin.
Ngunit kung balikan natin ang mga eskwela. Kukunti lang ang agricultural engineering na napabilang sa isang College of Engineering. Malimit ang BSAE ay napabilang sa isang College of Agriculture. At kung ang isang BSAE ay nasa ilalim ng isang College Engineering, malamang ang pamantasan na ito ay merong agriculture na kurso. Samakatuwid, walang AE kung walang agriculture. Ehemplo nito ang UPLB at UP Diliman.
Sa mamamayang Filipino, hindi nila maihiwalay ang isang agriculturist sa agricultural engineer. At kung igiit natin na tayo ay enhinyero, at matanong kung "ano ang agricultural engineer?" Nahihirapan tayong ipaliwanag sa haba ng litanya na sambitin. Kahit sa ibang engineer, di nila alam ang agricultural engineer maliban na lang kung gradweyt sila sa isang state university na may BSAE.
Sa larangan naman ng trabaho, halos walang kaibahan ang nakukuhang trabaho ng agriculturist at agricultural engineer. Nag-aral pa tayo ng 5 years!
Sa totoo lang kulang tayo ng pagpapakilala sa mga kasamahan natin sa larangang agrikultura (vet, forester, fisheries). Pilit nating sinisiksik ang ating mga sarili sa bandera ng engineering at ini-snub natin ang agriculture. Hanggang ang mga agriculturist ay hindi na tayo kilala. Pero kung mag-apply tayo ng trabaho, ang Department of Agriculture ang unang pinupunterya!
Sa tingin ko mas mainam na mas bigyan nating pansin ang pag-collaborate sa mga agriculturist, foresters, vets, fishery technologist. Upang sa pakikipag-unayan natin sa kanila, ay mahasa natin ang ating mga sarili sa tunay na problema ng agrikultura. Kusang-loob tayong makikipagtalastasan sa kanila. Upang sa pamamagitan nito, may mas alam na rin sila sa kakayahan natin. Sa bandang huli naman, sila ang kasama natin sa trabaho (baka boss pa!).
Sa paghahabol natin sa buntot ng ibang mga engineer, sa paghahabol na magiging kapantay natin sila, sa pagsusumikap na higitan natin sila, nakalimutan na natin at tayo naman ng mga tagapangasiwa ng industriyang agrikultura. Minsan nga, ibang engineer ang kinukuha nila kasi di na nila tayo kilala.
No comments:
Post a Comment