Madali ang sagot.
Magsasaka at mangingisda. Importante ang sagot na ito kung nais nating maintindihan ang kahalagahan ng propesyon natin. Sino nga ba ang mga magsasaka at mangingisda sa lipunang Pilipino? Ano ang kasalukuyang estado ng pamumuhay ng mga ito? Ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan ay ang sagot kung asan at ano din ang estado ng propesyon natin.
Ito rin ang kasagutan kung bakit nanlulumo tayo at bakit ang ibang agricultural engineer sa ibang bansa ay malago kumpara sa ibang propesyon. Noong ako napagawi sa Estados Unidos laki ang gulat ko na ang mga agricultural engineer ay isa sa mga may malaki ang sahod. Kahit sa Europa, ang isang agricultural engineer ay kilalang kilala. Ngunit bakit nga ba di tayo kilala dito sa Pinas?
Ang sagot ay isang tanong: Sino nga ba ang kliyente natin? Sa US, ang mga mayayaman na tao ay yaong tinaguriang mga "magsasaka". Dito sa Pilipinas, ang mga magsasaka ay malimit naghihikahos. Isa din yan sa rason kung bakit andito tayo sa sitwasyon ito.
Ang hamon sa atin ngayon ay papaano natin matutulungan ang mga magsasaka para mapalago nila ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng ating tulong. Kung yayaman ang mga magsasaka, iyan rin ang pagkakataong sisikat tayo. Malaki ang aking paniniwala na sa pamamagitan ng simpleng pagtulong sa mga magsasaka ay lalago sila. Nasubukan ko na yan nang napagawi ako sa Isabela. Naipamahagi ko ang kaalaman ukol sa soil and water management, agrometeorology, nutrient management. Mas naintindihan nila ang kanilang sakahan sa simpleng talakayan sa tabi-tabi. Ang tawag nila sa akin ay enhinyero ng lupa at lahat ng pakasiyaatan ti kuman. Lahat ng ito'y libre.
Dito natin kailangan ang ibayong pagtutulungan para makilala ang AE. Mga simpleng payo lang sa mga magsasaka at huwag mahiyang sabihin na ikaw ay AE. Mas mainam pa nga kung magkumpol tayo sa mga sektor sa bawat probinsiya at gagawa ng mga caravan na libreng payo sa mga magsasaka.
Huwag muna natin isipin ang kikitain. Sabi ko nga, pag yayaman ang mga magsasaka, tayo rin.
No comments:
Post a Comment