Nasambit ko sa unang tala na linangin natin ang ating mga kakayahan na kung saan may lamang tayo o di kaya wala masyado tayong kompetensiya sa ibang disiplinang pang-inhenyero. Opinyon ko lang po ang mga ito at base sa naobserba ko mula ng ako ay naging AE. Uunahin natin ang kalagayan natin sa ilalim ng anino ng civil engineering
Isa sa mga naging usapin ay ang pagpapalabas ng PAES na naipasok sa National Building Code (di ako sigurado kung tapos na ito). Ang papalabas ng PAES ay nagbigay ng saya sa mga bayaws. Yehey makasign at seal na kami!!! Pero medyo tahimik pa rin ngayon. Lalong tumahimik ng nagkaroon na di umano'y agreement ang mga boards ng civil and agricultural engineering sa "let the market decide". Sa ganitong kasunduan, tagilid tayo. We are up against 100k CE professionals at saka hindi pa nga tayo kilala ng "market" eh. Aaminin man natin o hindi talagang mahirap makaiwas sa anino ng CE sa ganitong kalagayan.
Ang aking suhestiyon ay ang pag-renegotiate sa CE board ang mga maliit na aspetong meron tayong lamang at ang "let market decide" ay sa mga aspetong alam natin na magaling din sila (assuming na kasingaling natin sila).
Anong aspeto ang dapat ang ilagay sa "let market decide" or ibigay sa CE ng tuluyan:
1) Structural design ng farm buildings
2) Structural design ng fixed structures for irrigation (dams, hydraulic structures)
3) Farm to market roads engineering design
Ngunit dapat may pirma dapat sa mga aspetong ito:
1) Functional design ng farm buildings. Saan ilagay ang mga parts ng buildings, asan ang pinto, gaano kataas ang ceiling, ano klaseng materials ang gamitin. Pwede natin ibigay ang kontrata sa CE pero dapat merong tayong pirma sa functional aspect nito. Sa tingin ko papayag ang mga CE nito kagaya ng pagpayag nila sa mga EE in terms of electrical works.
2) Sa mga buildings na may biosecurity at environmental control aspects. Sa tingin ko tayo lang ang may kakayahang ipaghalo ang thermodynamics, heat transfer at structural requirements. Mahina ang CE sa thermo at heat transfer eh. As I have said, pwede mo ibigay ang overall na kontrata pero may pirma pa rin tayo sa "environment control". (Note iba ang ibig sabihin sa "environmental control engineering" sa "environmental engineering".)
3) Sa irrigation naman, pwede na nating ibigay ang dam at ang mga concrete canals. Pero dapat may pirma tayo sa systems design. Kung saan ilagay ang intake and canal. Para mamangha ang ating mga CE counterparts, gamitan natin ng crop modelling at agrometeorology para sa water management at crop water requirements. Pwede mo pa isali ang institutional development sa gawain natin.
4) waste management systems - sa tingin ko mas familiar tayo dito (biogas, etc) at hindi malakas and mga CE dito.
Dahil mahina ang CE sa mga aspetong sinasabi ko, dito tayo magpapalakas. Ang mga college subjects natin ay dapat maemphasize ito. Ang board exam ay dapat ganito rin. Pero sa panahon ng kami ay kumuha ng board walang lumabas sa mga aspetong binabanggit ko. For example, ang agriwaste ay maswerte na kung may 2 tanong na lumalabas. Malimit lumalabas ang mga aspetong malakas din ang CE. In fact, kung gamitin mo ang CE reviewer sa hydraulics at structures baka may lumabas pa he he.
Huwag muna nating habulin ang kabubuang farm structures and irrigation. We will collaborate first until we are comfortable in structural design. Aaminin man natin o hindi, mahina pa tayo sa aspetong ito.
LGU MAtanao is imposing already that Ag Engr. should be the signatories of all Agricultural Structures plan.
ReplyDeletekaya maraming AE graduates na takot maghanap ng trabaho dahil "they know something in everything rather than they know everything in something"...,
ReplyDelete