Isang aspeto na hindi gaanong binibigyang pansin ng tumataguyod ng ating propesyon ang karampatang kakayahan at pagkadalubhasa ng mga nakapagtapos ng AE sa aspetong development management. Kung ating titingnan sa batas, hindi ito kabilang sa mga tinaguring practice of agricultural engineering.
Pero lingid sa ating lahat, maraming mga planning and development offices (PDOs), NGOs at international agencies ang kumukuha sa serbisyo ng ating mga bayaws. Ang habol ng mga ahensiyang ito ang kakayahan ng isang AE na magdala ng pagbabago sa mga kumunidad na sineserbisyohan nito. Ang kakayahan ng isang AE na makapag-analyze ng mga sitwasyon at galing nitong makikipagsalamuha ang naging daan na maging sikat ang mga AE sa larangan ng development management (rural development, international aid, instutional development). Malimit hindi nila natutunan sa klase ang mga kakayahang ito. Ngunit sadyang innate na sa pagiging AE ang mga katangiang ito (innate skills). Paminsan-minsan tahimik ang mga bayaws na ito dahil sa wari'y ang tingin nila sa kanilang sarili ay hindi sila tunay na AE.
Ngunit kung pagmasdang mabuti, itong grupo ng mga bayaws na ito ay tunay din na AE dahil sa nagseserbisyo sila sa mga magsasaka at maralita. Sila ang mga rural engineers. Nagpaplano, nagdedesign ng mga estratehiya para mapalago ang mga buhay maralita. Hindi conventional na engineer pero sila ang new breed of engineers.
Akin pong iminungkahi na ilakip sa practice ng agricultural engineering ang rural engineering at development management para mabigyang pugay ang nagtratrabaho sa larangang ito at maging proud sila bilang AE. Kung makilala ang development management (rural engineering) bilang isang lehitimong AE practice, alam nating sa pamamagitan nito, maraming makikinabang na magsasaka at mga bayaw na rin sa hinaharap.
No comments:
Post a Comment